Never ba kayong nagtanong kung paano kaya magiging success buhay niyo?
OMG, since hindi na ako natutulog sa bahay namin i realize na hindi pa ako
handa maging independent, hindi dahil hindi ko kaya ang mabuhay ng mag-isa
kundi dahil sa bawat pagsubok (kahit mahirap), nagagawa kong lampasan
dahil lagi ko kasama ang pamilya ko. They make me really happy.
Minsan umuuwi ako sa amin, at kapag nakikita ko dad ko nakaupo sa sopa
habang nanonood ng sports, parang pati iyon na-miss ko!
Yung nanay kong nagluluto or kaya may binabasa siyang bill, mga gastos ng bahay.
Yung little brother ko nasa harapan ng computer at naglalaro at yung litlle sister
ko kumakanta sa aming kwarto.
Mga simpleng gawain ng bahay, mga simpleng habits ng araw-araw, sobra kong
na-mi-miss (as in!!), at hindi ko maiwasang maging bata like dati!
Nagiging inmature tuloy ako kapag nasa amin ako, dahil masaya ako!
Nakangiti ako lagi, dahil mga simpleng bagay ay kasama ko na sa iisang kisame.
Lagi akong nasa labas, madami akong inaasikaso, gawa ng school at work ko.
Like 7.45am lalabas na ako sa bahay (sa amin dati) at papasok na sa school,
after school 2pm (labas namin), babalik sa bahay upang mag-lunch.
Bago mag 4pm, kailangan ko na rin lumabas upang makarating ng sakto sa work.
At mga 8pm ang labas ko sa work, then kasama ko naman boyfriend ko (pag day-off niya).
Pag hindi ko naman kasama bf ko edi mga barkada ko naman ang mga kadale ko.
Then gabi na rin ako nakakauwi. I thought na kung hindi ako makakagala, magiging
bored buhay ko, like hindi na ako nakaka-enjoy ng buhay.
Now, nagagawa ko ang gusto ko, malaya na ako at wala ng kontrol sa akin mga
parents ko, pero sa kabila ng lahat na ito ay miss na miss ko rin sila.
Kasi dati, kahit halos lagi may sumisigaw sa bahay, nag-aaway mga kapatid ko,
ay masaya pa rin. Pag may kailangan, nandoon lahat sila para sa bawat isa.
Ngayon, oo malaya na ako and i can do what ever i want i can go back home
pag ginusto ko! Or kahit umaga na!
Pero sa huli, i feel alone!! Like nasaan lahat ng mga dati kong gawain?
Mga dati kong kakulitan?! (Pati yung disney channel sa bahay na-mi-miss ko!!!!) !!
Grabe !! Pag nasa labas ka parang kaya mo lahat, kaya mong paikutin buong
mundo sa palad mo, pero pag nasa bahay ka with your family is like heaven.
That happiness with your family will never be replaced ever!
Sana sa makakabasa nito, mag-comment xD!
Tell me how you feel, tell me if you`re not agree.
Tell me if it happened it to you too.
Tell me something, anything, what everr!!
With fucking love,
-Arlyn K
No comments:
Post a Comment