Photobucket
|| HOME ||

Monday, July 13, 2009

What is really LOVE?

Well guys, i don`t really know how to start this post so, please let me breathe a little. :))
I`m not dramatic or even sensitive, buh yeahh.. Have you ever felt like you`re in-love but
there is something wrong at all?
People keep talking and talking about their relationships, but
they really mean something
telling their experiences? Experiences are for learn something about life, but
only you will know
the truth, not them.
So, sometimes even your friends are right, you must hear
every beat of your heart, how
your feelings going on and you should be
confident.
Now, my point is, of course i`m inlove with a guy but my ask is:
He really deserves me?
I thought about it many times, and i can say that he`s the one, my everything.
But, my mind was mess everytime i think about him, 'cause till now, i don`t know
what i really want in my life, if i should be like that always or if i should change something about me.

Diba kapag mahal mo ang isang tao,
gagawin mo ang lahat, babaguhin mo pagkatao mo upang
mapasaya mo siya, upang matanggap ka niya at dahil mahal mo siya kaya mo ang lahat.
Pero, minsan napapagod ka rin sa kakabigay, hindi ka naman humihiling pero, parang
laging may
kulang, parang hindi niya binibigay lahat gaya ng ginawa mo para sa kanya.
Lagi kang napapatanong if he loves you too like the way you do, pero nalilito ka ren dahil
kahit sobrang alam mo ng mahal ka rin niya, there is something wrong.
Hindi mo maramdaman pagmamahal niya, sa mga galaw niya, sa mga pinapakita niya..
So it`s easy to get
confused?! Am I?

Sometimes, gusto mo ng sumuko, you want a
new life, new style (or a new love, maybe?)
pero, kahit ganoon hindi mo pa rin magawang kalimutan ang taong mahal mo.
Dahil nga mahal mo siya, nagagawa mong tumahimik at magtiis para lang sa kanya.
Habang tumatagal na ang panahon, lalo siyang nagbabago.. Pero hindi sa magandang way,
kundi sa pangit na ugali.
Halos hindi mo na mapuna, ano ba talaga ang naging
kasalanan mo, para magbago siya ng ganito.
Nagtataka ka lagi kung bakit ang laki ng pinagbago ng taong mahal mo.
Bago mo mapansin ang lahat na ito, nahulog ka na sa kanya. You`re too inlove with him,
deep inside of you.
Ngayon, ano magagawa mo? Umaawas na pagmamahal mo sa kanya, kung kailan nagbago siya.
Pakiramdam mo, maglalaho buong mundo dahil sayo, parang hindi ka na makahinga.
Napapagod na rin utak mo kakaisip, kung saan
nagkulang or nagkamali.
Bakit ganito, natatanong mo sa sarili mo. Pero walang sumasagot sa mga tanong mo.
Mag-isa ka na sa pagdurusa mo, mag-isa kang lumuluha, at tila ka pa rin nasasaktan sa dilim.
Walang kahit sino man nakakaalam sa mga pangyayari, kundi
ikaw lang.
Halos wala ka na rin magawa, nakatulala ka na lang sa hangin..

It
hurts, diba? Pero, wala ka talaga magagawa, kundi ang lumuha ka hangga`t sa makatulog ka xD!
Gusto mo ng kalimutan ang lahat, ang mga napagdaanan mo, mga pasakit..
Ngunit mahirap, kahit anong pilit mo wala pa rin nagbabago sa buhay mo, at pa-ulit ulit na lang
palagi ang mga nagyayare sa mga paligiran mo.
You tried to make a difference on your relationship, but it wasn`t enough for him.
So, he doesn`t deserve you. You`re
wasting your time.
Kahit ayaw mo na, kahit masakit na nga, patuloy pa rin ang
puso na umiibig sa kanya.
`Di mo na mapipigilan, nilunok mo na nga
pride mo, tumahimik ka ng mtagal, nagbago ka para sa kanya,
at nagawa mong talikuran mga pasakit, pinilit mong umahon ng mag-isa, ng walang kasama.
Then may karapatan pa siyang
manigaw?! Wag na siyang magtaka if sometimes hindi mo na siya nilalambing.
Dahil ba pagod ka na?! Yeah.. Isa na iyan sa mga madaming dahilan sa pag-aayaw mo sa kanya.

1st. Hindi ka niya napapansin
2nd. Siya pa ang galit pag nilalambing mo!
3rd. Gusto niya lagi nasa kanya atensyon mo, pero atensyon niya sayo..
Nasaan ba?!
4th.
High-blood kaagad, kahit sa konting bagay (nandiyan ka upang mawala iyan at nilalambing mo ng bongga)
pero pagdating naman sayo.. Sino ang nagpaparelax?!
Wala!
5th. Pag nasasaktan ka niya, umiiyak ka na at lahat sa harapan niya.. Pero, anong pake niya?!
6th. Pag problemado siya, lagi kang nandiyan para sa kanya, pag ikaw naman pakiramdam mo wala kang
karamay.
7th. Lagi na lang gusto niyang siya ang susunod, at ikaw ang walang karapatan upang magsalita (you can`t make your own decissions)

Sa totoo niyan, madami ka pang masasabi, pero ba`t hindi mo na lang ibuga lahat ng mga iyan sa harapan niya?!
Ano nga pa pala, ang kailangan gawin upang matintindihan niya, diba? Nasabi niyo naman lahat ng mga iyan,
pero
wala pa rin pagbabago. Ano ba dapat talaga?! Ano na ba ang meron tong relasyon, at ba`t hindi makapag-move on!

Nabubuwisit
ka na! Nasasakal ka na! Pero, mahal mo pa rin siya.
Kahit ganito, kahit ganoon, kahit ganyan, dba?!

My point is: Ganyan ba talaga magmahal? Kailangan pa bang maging
"cheap" para sa kanya?

Diba hindi patas? Pero, ayoko rin ibaling yung panahon ko sa pag-iisip kung sino
nagkulang at kung sino ang labis,
dahil kung lagi na lang tayo nagsusukatan,
wala rin relasyon magtatagal.

Pero,
what is really love?! What does really mean?! Balik pa rin sa dati ang punto ko!! xD

Hahahaha... Kasi, diba pag dumating sa buhay ang love, hindi mo na kailangan itanong sa mga friends mo
kung in-love ka, diba?! Kusang ikaw na rin makakaalam niyang pangyayare na iyan.. Am i right?!
Dahil nga sa pagkakaiba nga naman talaga pag mahal mo ang isang tao.
Lumalakas talaga
loob mo! Masaya ka parati, nakangiti parang tanga! Nag-eemote, kinikilig, kahit gaano ka ka-problemado,
nawawala kaagad basta andiyan mahal mo para sayo.
Oo, ganun nga !! (pero sa una lang iyan).
Pag nakalipas mga taon, lumalabas ang tunay na pagkatao ng mahal mo!
Sabi nila, mga friends ko, mga kilala ko.. Hindi na siya nararapat sakin.. Bakit nagagawa kong tiisin ang isang taong kagaya niya?!
My answer is:
"Simple, mahal ko siya, eeh!" Pero, nagtataka pa rin sila, kasi tama naman kung mahal mo siya, pero naisip mo bang
tama pa rin kaya.. na hanggang sa ganitong punto umaabot ang relasyon namin?! Nagkakasawaan na, pero magkasama pa rin?

Gusto pa rin ako maniwala sa
love, pero minsan naiisip totoo ba ang magmahal, kung parati ka na lang nasasaktan?!
Alam naman lahat ng mga tao na
kasama talaga sa isang relasyon ang pasakit, pero hindi yung sa puntong gusto mo
ng
magpatiwakal dahil lang para sa kanya, upang maniwala siyang mahal mo talaga siya, at kaya mong ibigay buong pagkatao mo.
Kung gaano mo siya kamahal, kung gaano mo siyang
kailangan sa buhay mo..
Pero, mapapaisip ka rin na
hindi naman kailangan sayangin buhay mo para sa kanya.. Dahil kung pababayaan ka pa rin
hanggang sa umabot sa
kamatayan it really means na hindi na siya ang taong para sa iyo.
Madaming taong nagmamahal sayo,
umaasa at nag-cacare sayo, kaya hindi mo na kailangan ibigay buong
pagkatao mo sa may taas, dahil lang sa isang tao na hindi man lang nagawang bigyan ka ng
halaga.

Now, kailangan mo na lang hintayin na dumating ang tamang panahon, dahil ang panahon lang magsasabi kung
kayo lang talaga ang nararapat sa isa`t-isa.
Kung mahal mo siya, edi mahalin mo siya.. HANGGA`T SA KAYA MONG MAHALiN!

Wag kang umasang mamahalin mo siyang pang habang-buhay, kung wla rin naman mapapala, eeh!!

Mahalin mo na lang siya, at least naman, tinanggap mo buong pagkatao niya, diba?
At nagawa mo na rin tiisin siya, kahit papano, so Go na lang!!
At isang araw kung hindi naman talaga endless love, puwes magagawa mo na rin siyang iwanan, diba?!
Kaya natin to mga girls!! Go with the flow na lang! At matatauhan na rin siya! Who knows naman, diba?! =)

With fucking love,

-Arlyn K.S.

No comments:

Post a Comment