Photobucket
|| HOME ||

Saturday, October 23, 2010

Girls With Period

Hi guys, here we go again. Na-inspired ako sa nakaraang post ko, kaya napag-isipan ko itong topic.
Madamning lalaki'y hindi nakakaalam nito, madaming lalaki na parang natatakot sa twing nag-kaka-period kaming mga babae, kasi nag-iiba kami. Halos hindi na "raw" makilala.


Ganito yun boys, once per month yan (alam niyo naman siguro iyan) mga 3-5 days pero guys you should be patient, intindihin niyo na kaming mga babae ay may pinagdadaanan na dapat ay hindi tinatawanan.


Halo-halo ang nararamdaman namin, depende na rin sa mga babae, kasi iba't-ibang syptoms namin.
Mga kalimitan nangyayari sa amin ay:
  • Masakit ang tyan (parang may gumagalaw sa loob, parang hindi mapakali)
  • Stressed
  • Pagod
  • Naiirita,
  • Naiinis agad
  • Madali ma-high blood
  • Tinatamad
  • Gusto matulog
  • Ayaw kumain (kapag kumakain naman ay wala sa tamang oras)
  • Walang panlasa
  • Nnasusuka
  • Na-pe-pressure
  • Mabagal (magsalita, maglakad, kumain, magtype.. lol).


Ang payo ko sa mga boys:
Lambingin niyo mga babae para 'di masyado ma-pressure,
kunbagay kaming mga babae
naghahanap ng masasandalan sa mga panahon na iyon.
(I'm not joking).

Madaming babae hindi na lumalabas dahil diyan, meron naman na parang wala lang (kaya minsan hindi mo malaman kung meron nga ba o wala), gaya ako may mga times na kay sakit na parang sasabog na ako, umiinit lagi ang ulo ko, yung asar na padaplis kumukulo agad yung dugo ko! (Minsan kailangan uminom pa ng gamot, para lang mawala yung sakit sa tyan).
Pero may mga times naman, na hindi mo napapansin meron ka na pala! Nakakatakbo pa! =)


Ang kailgan kapag dumarating ang period ay handa kayo, mag-isip kayo ng mga bagay na makakaabala sa inyo para hindi masyado mapansin yung pinagdadaanan sa mga panahon na iyon.

Payo ko sa mga girls:


  1. Uminom kayo ng madaming tubig
  2. Kahit hindi gutom pilitin niyong kumain kahit konti lang at sa tamang oras
  3. 'Wag lalabas kung saan madaming tao (like disco, baka ma-stress lalo, iinit ulo or kaya mahilo)
Just chill out lang. =) Go with the flow, relax lang.



With fucking love,


-arlynn.

No comments:

Post a Comment