Photobucket
|| HOME ||

Sunday, October 24, 2010

Don't Judge

Hello again guys, now I'll start another topic on my blog.
Ang isang bagay na mahalaga sa isang relasyon ay ang mga sacrifice ng isa't-isa.
Hindi naman kailangan ibibigay ang lahat, pero dahan-dahan lang para maging maayos ang isang relasyon.
Madali na rin tayo bumigay (lalaki man o babae), kaya hinay-hinay lang, kasi baka sa huli maging kawawa.
Hindi lahat ng mga madaling bumigay ay ibig sabihin nun "nanloloko" lang ito, minsan madali bumigay baka kasi mawala! Kaya 'wag mag-judge!


Tayong mga pinoy, madaling humusga sa tao, nakikita pa lang ang hitsura ay may iniisip na kaagad something bad, at hindi yun tama, ngunit ginagawa pa rin natin kahit alam natin na mali laiitin ang sarili nating kapwa.


Don't judge by the cover

Bigyan natinng panahon upang kilalanin ang isang tao, wag tapakan ang sariling kapwa, wag tawanan at wag imamaliit ang isang tao, dahil kahit ayaw natin bigyan ng pansin mga panlalait yung tao kahit papaano ay ma-a-affect. Don't ask me why. Syempre, tao tayo eh! Sino ba ang hindi masasaktan 'pag nakarinig ka ng pag-iinsulto sa'yo, panlalait o kapag minamaliit ka?!

Lalo na ang mga ugaling pinoy ay ang tsismis! Naku, hindi na mawawala mga tsismis! Pero sana, bawas-bawasan ang pag-tsi-tsismis, dahil talagang nakakairita kapag may dumating na balita sa iyong mga tenga tungkol sa'yo at kalimitan TOTOO nga, ngunit iba! Alam niyo naman kapag yung tsismis ay nagsimulang kumalat, pasa-pasahan lang yung tsismis at yung tunay na balita nag-iiba!


Example:

Balita:
May isang bata nahulog sa skater kakalaro sa parc, ang sabi ng magulang ay:
"Anak, bibili lang ako ng tubig dito sa tabi baka nauuhaw ka na, 'wag kang aalis dyan, saglit lang ako."
Ngunit nakakita ng bata sa mga nakakatanda sa kanya (teenagers) at nag-e-skate rin sa may mga upuan.
Syempre yung bata naakit at ginaya, nung sinubukan gayahin ayun! nahulog ang kawawang bata.
Sugat-sugat na ang mga braso at binti, halos mabali ang balikat.

Tsismis:
"Naku alam niyo ba si mareng Daisy at yung kanyang anak si Lucas namasyal sa may parc, iniwan ni mare si Lucas nag-iisa ayun may tumulak na teenager sa bata tapos nahulog.
Nabalitaan ko nga na na-ospital pa si Lucas! Ang daming sugat, bali na pati ang kanyang balikat!
Kawawa naman ang bata, hindi nakabili ng gamot dahil sikip ang kanilang pera,
utang nga yung pinambayad sa ospital!
Anong klaseng nanay naman si mareng Daisy, pinapabayaan lang sa labas!
Kaya yung anak ko, hindi ko pinapasyal eh! Baka ganyan rin mangyari."



Well, aaminin ko may pag-ka-OA yung "tsismis" na kinwento ko sa inyo, pero talagang ganyan mga tsismis eh! Konting balita na kalimitan ay simple at walang interes ay ginagawang "NEWS OF THE WEEK".

Masakit pakinggan mga ganyan tsismis, lalo na't pag dumating sa'yo. Kahit ayaw mo pakinggan, ayaw mong matablan ka ng mga sinasabi ng mga iba, syempre nasasaktan ka pa rin.
Lalo na kapag tungkol sa iyong anak, 'di ba? Ano naman kasalanan ng bata? Naglalaro lang! Lahat naman ng mga bata ay naglalaro at nasasaktan, ano ang pinagkaiba ni Lucas sa mga ibang bata.
Yung nanay naman ay wala rin kasalanan, saglit lang iniwan at tsaka hindi naman talaga kailangan mag-abala sa nagyari sa bata. Normal lang yun, wag masyado papansinin ang bata, baka kasi masanay.


With fucking love,

-arlynn.

No comments:

Post a Comment